Kahintay-hintay Ka | Send Orbillo | Self-help
Shipping Fee:
₱39
Specification
Ships From
Description

Para sa mga nagmahal, nasaktan, at nabigo, pero matapang na magmamahal muli. Pag-ibig. Pinakamasarap na pag-usapang paksa ngunit hindi rin maikaiilang marami sa atin ang may hindi magagandang karanasan patungkol dito. Mga sakit na itinago natin sa matatamis na ngiti at nakakatawang mga biro't hugot. May mga kwento tayong mapapait na madalas ay ayaw nating pag-usapan ngunit sa kaloob-looban natin ay nais nating mailabas at mapakawalan. Hindi lang talaga natin alam kung paano. Ang aklat na ito ay para sa iyo na nais nang maghilom at lumaya sa isang kulungan na ikaw rin ang may gawa. Maaari mo itong maging #MovingForwardJourneyBook dahil sinadya itong isulat bilang daluyan ng mga nararamdaman ng mga katulad mong minsan nang nagduda na hindi ka karapat-dapat na mahalin. Ito ang iyong magiging kasama sa paglalakbay tungo sa paghilom ng mga sugat na idinulot nang subukan mong ilaban ang pag-ibig na inakala mong iyo. Tutulungan ka rin nitong daanan ang landas ng pagpapatawad, pagbangon at pagpapatuloy.

Chat Now
Add to Cart
Buy Now