Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga | Author: Jack Alvarez
Shipping Discount
Shipping discount for orders over ₱399
Shipping Fee:
₱0 - ₱38
Specification
Brand,Ships From
Description

Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga ay unang aklat ni Jack Alvarez. Siyam napu't isang maiiksing naratibo na mapapaloob sa iisang libro sa anyong nobela upang inyong makilala ang isang OFW, makata, kapatid, anak, bakla, reyna, puta, etcetera - ang Ibang Lady Gaga. ---------------- Hindi parang pagmememorya ng song lyrics ang pag-alala sa mga karanasan, kundi parang pagnonovena. Parang ritwal. Sa isang confessional na paraan ipapasilip ng may-akda ang kanyang mga partikular na karanasan at buhay ng isang migranteng manggagawa sa Saudi Arabia. Mga personal na sanaysay na ikukumpisal ang pangungulila at samu’t saring problema at balita mula sa pamilya sa Pinas. Sala-salabid ang mga isyung kakaharapin tulad ng racism, diskriminasyon at pang-aabusong sekswal ngunit isa-isa niyang hihimayin ang bawat istorya na kung hindi man mahanapan ng happy ending ay patuloy na makikipagsapalaran, patuloy na mangangarap. ---------------- Paperback, 152 pages Published May 2015 by Visprint, Inc. (first published 2015) Original TitleAng Autobiografia ng Ibang Lady Gaga ISBN9710545558 Edition LanguageFilipino; Pilipino ---------------- ABOUT JACK ALVAREZ Nagkamit siya ng National Book Award ng Manila Critics’ Circle para sa Best Book of Non-Fiction Prose in Filipino para sa kaniyang unang librong Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga (Visprint, 2015). Kinilala rin sa nasabing parangal para sa Best Book of Short Fiction ang kaniyang nobelang Kagay-an, At Isang Pag-Ibig Sa Panahon ng All-Out War (Psicom-Literati, 2018). Maihahanay sa autobiographical at confessional ang estilo ng kanyang panulat. Nalathala ang ilan sa kaniyang mga akda sa Liwayway at iba pang antolohiya at isinalin sa English, Chinese, at Bahasa para sa Afterwork Readings ng Para Site – Hong Kong. Isa siyang OFW na nakabase sa Saudi Arabia simula pa noong 2008. Kasalukuyang Tagapag-ugnay ng Kataga - Online, isang sangay ng grupong Kataga - Samahan ng Mga Manunulat Sa Pilipinas at Honorary Member ng NAGMAC (Nagkahiusang Magsusulat sa Cagayan de Oro). Naging fellow sa creative writing workshops ng University of Santo Tomas (2008), Palihang Rogelio Sicat (2012), Unibersidad ng Pilipinas (2015), Ateneo de Manila at Iligan National Writers Workshop (2016). Kabilang sa kaniyang mga proyekto ang Saan Man - Mga Kuwento sa Biyahe, Bagahe at Balikbayan Box (PageJump, 2017), isang antolohiyang binubuo ng higit sandaang dagli ng 56 overseas at lokal na Pilipinong manunulat. At ang Biyaheng Rainbow - Mga Kuwentong LGBT na ilalabas ngayong 2020 ay kolaborasyon nina Dr. Eugene Y. Evasco bilang mga editor. Nakatakda ring ilathala ang Lama Sabactani, Isang Nobela (Psicom-Literati, 2020) at ang kaniyang unang aklat pambata, Si Mimi at Si Miming (Vibal, 2020). Kasalukuyang naninirahan sa Al-Khobar, Saudi Arabia.

Chat Now
Add to Cart
Buy Now