Aishite imasu Mga Dagling Sanaysay sa Danas-Japan
Shipping Discount
Shipping Fee:
₱0
Specification
Import/Local,Cover Type
Description

Kung baga sa Pillow Book ni Sei Shōnagon, ito’y isang libro ng pangingilalang muli at pagliliwanag sa sarili. Bida rito ang biyaherong Filipino sa Japan at ang daloy ng kaniyang prosa. Mapagmasid, gising, mapang-aliw, paminsan minsan nanggugulantang gaya ng biglaang paglusong sa sobrang init na tubig ng onsen. Maikli man ang lakbayin ng dagling sanaysay, sa “I love you” lahat nauuwi. –PAOLO MANALO Awtor ng Happily Ever Ek-ek Hindi lamang ito tungkol sa mga Hapon. Kuwento rin ito ng (mga) Pinoy na nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Sa kaniyang abentura, bitbit palagi ni Joey-sensei ang danas, halagahin, at kasaysayan ng isang Pinoy, kung kaya’t saan man mapadpad at lumibot ang kaniyang mga naratibo, lagi’t laging umuuwi ang mga ito sa mas malalim na kabatiran tungkol sa sarili at sa ibang kultura. –GALILEO S. ZAFRA Iskolar, kritiko, propesor Unibersidad ng Pilipinas Ang mga ganitong elaborasyon at salaysay ni Romulo Pascual Baquiran Jr. ang nagpapalalim sa mga damdaming hindi masabi ni maisiwalat kapag tinatanong natin ang isang kaibigang matagal nawalay ng “Kumusta ka doon? Hanggang kailan ka? Ano’ng mayroon? Paano ka nakakatagal?” Nasa bihasang pagmumuni niya ang collective longing natin sa iba’t ibang lugar, danas, damdam, nasa, at panibugho. Totoo, may ganitong nakakainis na pakiramdam. Matagal mo nang tapos basahin ang aklat pero ang hirap bitawan. Parang gusto mo pang mag-request ng “Kuwentuhan mo pa ’ko, please,” habang inuunti-unti ang pagtungga sa bote ng malamig na serbesa, isang araw na gusto mo lang mangarap nang dilat. –JOSELITO D. DELOS REYES Kolumnista sa Abante at Rappler Author: Romulo P. Baquiran Jr. ISBN/ISSN: 978971542952-8 Category: Literary; Essays Copyright: 2021 Pages: 140pp Size: 6x9 Type: PB/SP

Chat Now
Add to Cart
Buy Now